You stole some username eh?

lol. ginamit pa picture ko. uo may photoshop yan..ano kinalaman nyan sa issue ngayon? haha. first, di kita inaano. second, di ka kasali. 3rd, oo nangingielam ka lang. 4th, kung kagabi ka pa nagsasawa at nauumay sakin bat kpa sumasagot? kasi kung magrereplyan tayo talagang magsasawa ka talaga.

try…

I don’t get it bakit mahilig sa selective reading ang mga tao. Dahil may nasabing tama sa unang part, tama na all the way, at intellectual ng matatawag?

 

“Kapag ikaw ba ginamit ang kuha mong litrato sa isang artikulong hindi naman totoo, hindi ka aalma? Natural lang sasagutin ni Kathleen yung blog entry mo dahil ginamit mo yung mga pictures na kinuhanan niya. Di ka man lang nahiya sa watermark. 

Sabagay, ano nga ba namang alam mo? Eh gawain mo naman talagang gumamit ng litrato ng ibang tao para may maipost ka sa Fan Page mong napakababaw.

Isa pa, bago mo salingin ang mga tao dito sa Tumblr, matuto ka muna ng tamang gamit ng salita, pangungusap, capitalization, punctuation marks, kung ayaw mong matawag na tanga. Kung baguhan ka dito, marapat lang na malaman mong hindi tinotolerate dito ang mga katangahang tinotolerate sa Facebook katulad ng kinagawian mo.

Halimbawa:

  • DIKO - ” ‘di ko” , hango sa dalawang salitang “hindi” at “ako”, lagyan mo ng space, ano yan, biko?
  • SATEN - “sa atin”, “sa’tin”, hango sa dalawang salitang “sa” at “atin”, lagyan mo ng space, ano yan, bisaya ng satin?”

Ok na sana yung unang sinabi eh. Nung huli kong binasa ang pagtatalong ito, ang alam ko tungkol lang ito sa moon shots. Obviously, yung mga salitang binitiwan sa bandang huli sa itaas ay beside the point. Kung bihasa kayong tunay sa rules of privacy at kung ano ano pang issue na saklaw ng internet at tumblr, di na kailangan ng pagpapaliwanag na walang rules na nagbabawal at nangaapi sa pamamaraan ng pag-iispell ng kung sino man.

Sunod, di raw tama ang pangunguha ng picture ng iba para ipost kung saan saan, dahil diyan, wala daw kwenta ang facebook page na ginawa ng isang tao. Pero ano itong pagsagot kasama ang mga  ”nakaw” din naman sa internet at inedit pa? Yang Plants vs. Zombies na screenshot  na yan (kung tama man ako), di man mukha ng tao pero isang uri pa rin yan ng pangunguha at pagbabago sa gawa ng ibang tao ng walang proper citing ng sources. Isama pa naten yang mga movie posters at kung ano ano pa. Sa pagkakaintindi ko, ang advocacy ng taong pinagtatanggol ng karamihan sa inyo ay “respeto para sa pictures ng iba, inedit man o hindi.” Siguro, kung papanig tayo sa taong ganito, let us walk the talk. Kung sinusulong mo ang ganitong paniniwala, walk your talk. Tingin ko kailangan muna naten suriin at pagisipan mabuti yung mga ginagawa naten, kung nagrereflect ba ito sa mga pinaninindigan nateng bagay.